WHATS NEW WITH PRTG

POPULAR RESOURCES

PRTG LIVE DEMOS








NEED HELP WITH PRTG





PRTG Evaluators Guide
WHATS NEW WITH PRTG

POPULAR RESOURCES

PRTG LIVE DEMOS








NEED HELP WITH PRTG





PRTG Evaluators Guide
Copyright © 1999-2011 by SAV25 Data Systems  ·  All Rights reserved  ·
Mga Tanong at Sagot tungkol sa PRTG
Sa hangarin namin na mai-palinawag sa mas maraming customers sa Pilipinas ang PRTG Network Monitor, ay inihanda namin ang Pinoy edition ng FAQ na ito. Kung mayroon pa kayong katanungan ukol sa PRTG na hindi nasagot dito ay maari lamang na makipag-ugnayan sa amin para matulungan namin kayo.
1.
Paano ang licensing ng PRTG? bawat computer ba na i-monitor ng PRTG ay katumbas ng isang license?
Sagot:
Ang license ng PRTG ay base sa bilang ng sensor. at kung ilan ang installation  ng PRTG core server na kailangan sa inyong network. Halimbawa: ang PRTG ay naka install sa isang computer at kailangan nitong monitor ang CPU at memory (RAM) ng isang server at ang hard disk space ng isa pang computer. Ang kailangan ay isang license ng PRTG na mayroong  tatlo o higit pang sensors.
2.
Kailangan ko bang mag install ng PRTG sa bawat server na kailangan kong
i-monitor?

Sagot: Hindi. Kailangan mo lang install ang PRTG sa isang computer na gagamitin
bilang PRTG core server. Ang PRTG core server ay ang management server ng PRTG. Ito ang mag-monitor ng network...
3.
Ano ang "sensor' sa PRTG?
Sagot: Kung ang PRTG ay monitor ang CPU ng isang computer, ito ay isang sensor. Kung monitor ng PRTG ang traffic ng isang port ng switch gamit ang SNMP, ito ay isang sensor. Kung monitor ng PRTG ang traffic sa isang Lan Card gamit ang "packet sniffing" ito ay isang sensor.
4.
Ano ang "hardware requirements" ng PRTG?
Sagot:
Ito ay depende sa bilang ng sensors na kailangan mo. Mayroon kaming hinandang "Site Planner" para ma-"estimate" mo ang kailangan mong computer.   .
5.
Anong klase o brand ng computer ang maaari kong gamitin para sa PRTG?
Sagot: Kahit na ano brand ng computer na ginawa sa taong 2007 o mas bago pa ay puede mong gamitin sa PRTG. Maari mong gamitin ang aming site planner para malaman ang iba pang detalye  na kailangan mo.
6.
Mayroon akong isang server at mayrron akong mga "virtual servers " at naka install dito ang Modusgate, Simple DNS, Microsoft Exchange  at file server. Kailangan ko ba ng isang license ng PRTG sa bawat virtual server?
Sagot:
Hindi, isang license lang ng PRTG na may sapat na sensor para ma-monitor ang mga servers mo ang kailangan.
7.
Bakit mas madami features ang GFI LanGuard kumpara sa PRTG ?
Sagot:
Security product ang Languard at ang PRTG naman ay Network Monitoring and management software. Magkaiba ng kategorya ang dalawa kaya hindi maaring ihambing sila sa isa't isa.
8.
Kaya bang monitor ng PRTG kung sino ang hindi "authorized user" na nag-try configure ang aming firewall or router ?
Sagot:
Hindi security product ang PRTG kaya hindi nito kaya monitor kung sino ang nagbabalak mang-hack sa firewall or router ninyo. Pero maari mong gamitin ang PRTG para monitor ang bandwidth o traffic ng firewall o router ninyo.
9.
Kailangan kong monitor ang network sa ibat-ibang branches ng kompanya namin, kailangan ko bang mag-install ng PRTG sa bawat branch namin?
Sagot:
Maari mong install ang PRTG core server sa isang network mo at gamitin ang remote probe ng PRTG para ma-monitor ang iba nyo pang branches. Sa ganitong paraan ay isang license lang ng PRTG ang bibilhin mo at kailangan mo lang malaman ang bilang ng sensors. Kung maari ay makiapg-ugnayan ka sa amin  para matulungan ka namin sa pag-plano ng PRTG sa network mo..
10.
Ano'ng license ang kailangan ko para maka-pag install ako ng PRTG sa kahit na ilang computer ng kompanya namin.
Sagot:
Maaari mong kunin ang PRTG Network Monitor Site o PRTG Network Monitor Corporate. Gamit ang ganitong klase ng license ay maari mong install sa kahit na ilang computer ang PRTG.
11.
Ano ang kaibahan ng PRTG site sa PRTG corporate license?
Sagot:
Sa PRTG site license ay maaari mo lang install ang PRTG sa isang network ng kompanya. Samantalang ang Corporate license namin ay maari mong install ang PRTG sa lahat ng branches ng kompanya.
12.
Mayroon akong PRTG Network License pero expired na ang license at hindi ko na-renew ang maintenance, maari nyo ba akong bigyan ng support sa pag-configure?
Sagot: Hindi. Ang serbisyo namin ay para sa mga customers na mayroong .epektibonng license at support contract sa amin. Maari mong renew ang maintenance ng PRTG mo para makakuha ka ng support. Contact mo ang SAV25 para sa renewal ng inyong PRTG
13.
Kapag bumili ako ng PRTG sa pamamagitan ng on-line shop sa website ng Paessler, mayroon ba akong  support o serbisyong makukuha sa SAV25 ?
Sagot:
Kapag bumili ka ng PRTG sa website ng Paessler (on line shop) ay hindi kasama ang local support mula sa SAV25. Pero maari kang makipag-ugnayan sa amin para malaman mo ang detalye ng serbisyo maari naming offer sa inyo.
14.
Mayroon akong Cisco routers and switches pero hindi ko alam kung paano configure ito para magamit ang Netflow or SNMP , maari bang kayo na lang ang mag-ayos nito?
Sagot:
Maari kang makipag-ugnayan sa mga Cisco providers para matulungan ka sa Cisco mo. Hindi sakop ng support ng SAV25 ang pag-configure ng Cisco.
15.
Bakit hindi nyo ako puedeng tulungan sa Cisco routers and switches ko samantalang bumili na ako ng PRTG ninyo ?
Sagot:
PRTG po ang binili ninyo sa amin at hindi Cisco. Ang provider  ninyo ng Cisco ang dapat nyong tanungin tungkol sa pag configure ng Cisco.
16.
Ang Trial version ba ng PRTG ay maaring upgrade to Commercial License version ng PRTG?
Sagot:
Oo.
17.
Ano ang kaibahan ng PRTG sa ibang Network Monitoring na softwae?
Sagot:
Unang ay sa presyo o halaga. Higit na mababa ang halaga ng PRTG  kumpara sa ibang produckto.Pangalawa ay simple lamang ang licensing ng PRTG - isang license lang ay maari mo nang monitor ang network mo. Sa iibang produkto ay "modular" ang licensing - kailanagan mong bayaran ang bawat monitoring service na gagamitin mo. Pagdating sa kapabilidad at features ay halos pareho o maaring mas higit pa ang PRTG sa mga ito. Isa pang kaibahan ng PRTG ay madali iton gamitin at matutunan.
18.
Maari ba akong bumili ng iPRTG para sa iPhone sa inyo?
Sagot:
Hindi. Ang iPRTG ay mabibili lamang sa Apple app-store. Ibang kompanya ang may-ari ng software na ito.
19.
Mayroon ba kayong support para sa iPRTG para sa iPhone?
Sagot:
Wala. hindi namin suportado ang iPRTG. Maari kayong makipag-ugnayan sa vendor ng iPRTG
20.
Maari ko bang install ang PRTG sa Hyper-V ng Windows 2008 server?
Sagot: Oo.
Maari mong install ang PRTG sa Virtual machine na Hyper-V
Stay connected with SAV25